Paninda sa Merienda Corner - Part One
Betaballs Pamalit sa orignal na "fishball", si betaball ay homemade na balls. Timplado ito ng harina at gulay na naaayon sa "secret recipe" ng Nanay ko. Nagawa ito kasagsagan na tumataas na yung presyo ng fishball sa suppliers. Originally, Vegie-Balls, ang presyo nito ay piso isa. Fishball Original paninda ng nanay ko since 1999. Dalawa lang naman ang brand na binibili ng Mama ko sa merkado. Piso dalawa dati ito, pero ngayon piso isa na. Sa kabilang pwesto, walong piraso, sampu. Alam mo naman sa taas ng bilihin ngayon ngayon, naapektuhan iyong presyo ng mga paninda namin. Masarap siya pag sinawsaw sa maanghang na sauce na may suka. Kikiam Isa pa sa OG na paninda ng Mama ko, si Kikiam. Tatlong brand ng kikiam ang madalas binibili ng Mama ko noong nabubuhay pa siya. Minsan naman nabili siya ng pang-limang piso na kikiam at hahatiin sa apat iyon. Noong nagbubuntis si Mama sa bunso naming kapatid, ayaw niya ng amoy ng kikiam kaya nawala yan sa aming paninda ng dala