Matumal ang Benta! Help!

Sad Boy

Tumal!

Matumal ang merienda stall namin sa kabilang barrio. Ganoon din sa Main Branch namin. Hindi ko alam kung ganoon talaga bago sumapit ang December pero parang may mali sa nangyayari.

Kasabay noon ang pagdami ng kalaban namin sa merienda business. pati katapat namin na pwesto, nagtayo na din ng merienda stall. siguro nga napansin nila na malakas ang business ng merienda sa hapon at gabi pero iba ang nakikita ko doon.

Kaya naman namin silang talbugan kung tutuusin. mas masarap naman siguro ang sauce ng fishball ng Mama ko kumpara sa kanilang sauce. Mas marami kaming paninda bukod sa fishball; meron kaming kikiam, squidball, chickenball, kwekdog at pisokwek, turon at banana Q, dynamite at shanghai, betables saka samalamig pa.

Pero may nakikita ako na kulang sa tindahan namin. Parang wala kaming pangalan sa tindahan namin. At kailangan namin magdagdag ng strategy para mapansin ang mga paninda namin.

MAPANSIN?

Oo nga pala? Bakit di kaya ako mag advertise sa FB ng mga paninda namin sa tindahan? O kaya maggawa ako ng mga flyers para alam ng mga taga doon iyong tindahan namin? Susubukan ko mamayang mag isip ng gimmick pagkatapos kong magbudget ng bibilhin ko bukas para sa tindahan.

KONGKLUSYON?

Pagkatapos ko mag-advetise ng mga paninda namin, expected ko na tataas sales ko ng 15% percent muna. Nawa'y gabayan ako ng Dios sa mga balak ko sa business.

Comments

Popular posts from this blog

Paano nga ba ako napadpad dito?

Paninda sa Merienda Corner - Part One