Paninda sa Merienda Corner - Part One


 


Betaballs

Pamalit sa orignal na "fishball", si betaball ay homemade na balls. Timplado ito ng harina at gulay na naaayon sa "secret recipe" ng Nanay ko. Nagawa ito kasagsagan na tumataas na yung presyo ng fishball sa suppliers. Originally, Vegie-Balls, ang presyo nito ay piso isa.


Fishball

Original paninda ng nanay ko since 1999. Dalawa lang naman ang brand na binibili ng Mama ko sa merkado. Piso dalawa dati ito, pero ngayon piso isa na. Sa kabilang pwesto, walong piraso, sampu. Alam mo naman sa taas ng bilihin ngayon ngayon, naapektuhan iyong presyo ng mga paninda namin. Masarap siya pag sinawsaw sa maanghang na sauce na may suka.






Kikiam

Isa pa sa OG na paninda ng Mama ko, si Kikiam. Tatlong brand ng kikiam ang madalas binibili ng Mama ko noong nabubuhay pa siya. Minsan naman nabili siya ng pang-limang piso na kikiam at hahatiin sa apat iyon. 

Noong nagbubuntis si Mama sa bunso naming kapatid, ayaw niya ng amoy ng kikiam kaya nawala yan sa aming paninda ng dalawa o tatlong taon. Naalala ko noong parang 2001 hanggang 2004 nawala yung kikiam sa binibili ng Mama ko tuwing umaga.

Dati, piso isang piraso ito. Ngayon, apat piraso - limang piso na siya.





Piso-Kwek

Trademark luto ng Mama ko na ginaya na lang ng iba. Mga hiniwang itlog ng manok yan tapos tinabunan ng timpladong harina galing parin sa "secret recipe" ng Mama ko, Since 2009, kasa-kasama na niya si fishball at kikiam sa kariton ni Mama. 

Ang totoo niyan, pamalit siya ni pugo noong sunod sunod ang pagtaas ng presyo saka pahirapan pa ang pagangkat niyan sa merkado. Kaya nakaisip Mama ko ng bright idea para kahit papaano may itlog pa din siyang tinitinda.

Piso parin isa hanggang ngayon.




Kwekdog

Parang pisokwek din yan, pero hotdog naman ang nasa loob ng harina. Nakikita ko na ito ang kambal ni pisokwek sa tindahan kasi pareho sila ng laki, harinang ginamit, presyo, pero magkaiba ng laman. Saka pareho silang lumabas noong 2009.

Piso din isa niyan.

Comments

Popular posts from this blog

Paninda sa Merienda Corner - Part Two

Paano nga ba ako napadpad dito?