Paninda sa Merienda Corner - Part Two

 


Dynamite/Shanghai

Bago lang ito sa menu ng Mama ko, si Dynamite. Ito ay palaman ito na giniling na baboy, siling pangsigang, at keso. Sampung piso ang isa. 

Si Shanghai naman ang counterpart ni Dynamite. Pinagkaiba ng dalawa? Walang sili na nakapalaman si Shanghai.












Lumpiang Toge

The best seller namin sa hapon, si Lumpiang Toge. Otso pesos isa. May palaman na toge (syempre), saka kamote at kalabasa. Masarap na, mura pa, at masustansya pa.













Turon

Saging na nakabalot sa lumpia wrapper na may palaman na asukal. Sampung piso ang isa. Second best seller.















Banana Q

Saging din na tinusok sa stick at niluto sa kawa. Kinse pesos isa.
Patok din sa masa.

Comments

Popular posts from this blog

Paninda sa Merienda Corner - Part One

Paano nga ba ako napadpad dito?