Posts

Paninda sa Merienda Corner - Part Two

Image
  Dynamite/Shanghai Bago lang ito sa menu ng Mama ko, si Dynamite. Ito ay palaman ito na giniling na baboy, siling pangsigang, at keso. Sampung piso ang isa.  Si Shanghai naman ang counterpart ni Dynamite. Pinagkaiba ng dalawa? Walang sili na nakapalaman si Shanghai. Lumpiang Toge The best seller namin sa hapon, si Lumpiang Toge. Otso pesos isa. May palaman na toge (syempre), saka kamote at kalabasa. Masarap na, mura pa, at masustansya pa. Turon Saging na nakabalot sa lumpia wrapper na may palaman na asukal. Sampung piso ang isa. Second best seller. Banana Q Saging din na tinusok sa stick at niluto sa kawa. Kinse pesos isa. Patok din sa masa.

Paninda sa Merienda Corner - Part One

Image
  Betaballs Pamalit sa orignal na "fishball", si betaball ay homemade na balls. Timplado ito ng harina at gulay na naaayon sa  "secret recipe"  ng Nanay ko. Nagawa ito kasagsagan na tumataas na yung presyo ng fishball sa suppliers. Originally, Vegie-Balls, ang presyo nito ay piso isa. Fishball Original paninda ng nanay ko since 1999. Dalawa lang naman ang brand na binibili ng Mama ko sa merkado. Piso dalawa dati ito, pero ngayon piso isa na. Sa kabilang pwesto, walong piraso, sampu. Alam mo naman sa taas ng bilihin ngayon ngayon, naapektuhan iyong presyo ng mga paninda namin. Masarap siya pag sinawsaw sa maanghang na sauce na may suka. Kikiam Isa pa sa OG na paninda ng Mama ko, si Kikiam. Tatlong brand ng kikiam ang madalas binibili ng Mama ko noong nabubuhay pa siya. Minsan naman nabili siya ng pang-limang piso na kikiam at hahatiin sa apat iyon.  Noong nagbubuntis si Mama sa bunso naming kapatid, ayaw niya ng amoy ng kikiam kaya nawala yan sa aming paninda ng dala

Matumal ang Benta! Help!

Image
Sad Boy Tumal! Matumal ang merienda stall namin sa kabilang barrio. Ganoon din sa Main Branch namin. Hindi ko alam kung ganoon talaga bago sumapit ang December pero parang may mali sa nangyayari. Kasabay noon ang pagdami ng kalaban namin sa merienda business. pati katapat namin na pwesto, nagtayo na din ng merienda stall. siguro nga napansin nila na malakas ang business ng merienda sa hapon at gabi pero iba ang nakikita ko doon. Kaya naman namin silang talbugan kung tutuusin. mas masarap naman siguro ang sauce ng fishball ng Mama ko kumpara sa kanilang sauce. Mas marami kaming paninda bukod sa fishball; meron kaming kikiam, squidball, chickenball, kwekdog at pisokwek, turon at banana Q, dynamite at shanghai, betables saka samalamig pa. Pero may nakikita ako na kulang sa tindahan namin. Parang wala kaming pangalan sa tindahan namin. At kailangan namin magdagdag ng strategy para mapansin ang mga paninda namin. MAPANSIN? Oo nga pala? Bakit di kaya ako mag advertise sa FB ng mga paninda na

Paano nga ba ako napadpad dito?

"November 16, 2023" -  Last day ko ngayon as Multi-skilled Technician sa isang hotel sa Taguig. Isang buwan kong iniisip kung tutuloy ba ako sa balak kong pag-alis   sa trabahong pinapasukan ko. Isang buwan na mula nang magdeclare ang agency namin na di na sila tutuloy sa pagprovide ng serbisyo sa Hotel. Isang buwan na din ang processing ng paglipat namin sa bagong agency na pumalit sa amin. Isang buwan na din akong nananaginip tungkol sa nanay ko na kamamatay lang nung Mayo.  Sa panaginip ko, nakahiga siya sa isang kama, sa madilim na kwarto, pero makikita mo siya kasi parang may liwanag ng T.V. na nakatutok sa kanya. Lagi niyang sinasabi na "Kausapin mo kapatid mo, kausapin mo si Fer". Mas napadalas pa ito noong pagkatapos naming bumisita sa puntod niya noong November 3. Hindi nga pala kami sumabay noong November 1 at 2 kasi sa dami ng tao na dadalaw sa sementeryo. Si Fer nga pala ang sumunod sa akin sa magkakapatid. Ako kasi ang panganay sa apat na magkakapatid.